Sa kabila ng pag tanggi, AJ Raval nanganak na raw, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Sa kabila ng pag tanggi, AJ Raval nanganak na raw, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Sa kabila ng pag tanggi, AJ Raval nanganak na raw, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?
- Pumutok ang bali balitang nanganak na raw ang sexy actress na si AJ Raval

- Ayon sa source ng showbiz manager na si Ogie Diaz ay nakita umano ito sa isang ospital sa Pasig

- Ayon pa sa ibinalita ni Ogie Diaz ay namataan din sa ospital si Aljur Abrenica

Sa inilabas na latest Showbiz update ng Shobiz Manager at vlogger na si Ogie Diaz ay nagbahagi ito ng update patungkol sa namumuong pag-iibigan sa pagitan nina AJ Raval at Aljur Abrenica.

Ayon kay Ogie ay mayroon siyang source na nagkukumpirma sa di-umano'y pagdadalang-tao ni AJ at nanganak na umano ito.

Kasabay naman nito na nagugulumihanan pa rin si Ogie dahil sa nauna ng itinanggi ni Jeric Raval, ama ni AJ Raval, na nagbubuntis ito.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," panimulang kwento ni Ogie.

"Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga yun.' Kasi tinanggal ang face mask," pagbubunyag ni Ogie.

"Tapos agad-agad naman daw, pagkatapos manganak ay inilabas na. Ang ginamit daw na apelyido nitong si AJ ay Alvarez," dugtong pa nito.

Panoorin ang kabuuang ulat ni Ogie Diaz dito: