Maggie Wilson at Victor Consunji, nagpasaringan tungkol sa sukat ng talong at kweba?

Maggie Wilson at Victor Consunji, nagpasaringan tungkol sa sukat ng talong at kweba?

Maggie Wilson at Victor Consunji, nagpasaringan tungkol sa sukat ng talong at kweba?
Usap-usapan ngayon sa social media ang panibagong bangayan sa pagitan ng dating mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji. 

Noong nakaraang linggo ay pinagkaguluhan ang naging cryptic post ng dating beauty queen na tila may kinalaman sa kanyang mga kinakaharap na pagsubok sa buhay kabilang na ang isyu sa kanila ng kanyang dating asawa.

"If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women," turan ni Maggie sa kanyang Instagram post at sinamahan ito ng hashtag "small[eggplant emoji]issues.

Marami sa mga nagpyistang netizen sa nasabing post ang naniniwalang pasaring ito ni Maggie sa kanyang dating asawa na si Victor. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na hindi maayos ang naging hiwalayan ng dalawa. 

Nitong Martes naman ay tila may tugon naman ang multisport enthusiast at businessman na si Consunji sa pa-hashtag ng dating asawa.

"#EasyToFeelSmallInSuchABigCave," saad ni Victor sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang larawan na nasa bukana ng isang kweba.

“#YouKnowThisPlaceIsNextToABeach”, “#AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave,” at “#ThisCaveMUSTbeRoyalty” ang iba pang pa-hashtag na mababasa sa nasabing IG story.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Maggie tungkol sa story ng dating asawa na pinagpipiyestahan na ngayon sa social media.

Nitong taon ay kinumpirma ng isang korte sa Taguig City na may natanggap itong 'adultery cases' laban kay Maggie at sa kasalukuyan nitong karelasyon na si Tim Connor. 

Sa serye ng Instagram stories, pinabulaan ni Maggie ang mga alegasyon at sinabing si Victor ang totoong nangaliwa habang sila'y kasal pa.