Cignal Entertainment Showbiz Caravan, aarangkada na sa Starmall EDSA Shaw!

Cignal Entertainment Showbiz Caravan, aarangkada na sa Starmall EDSA Shaw!

Cignal Entertainment Showbiz Caravan, aarangkada na sa Starmall EDSA Shaw!
“No tricks, just treats” ang handog ng mga nagkikinangang Kapatid stars dahil magsasama-sama sila sa unang pasada ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan ngayong October 29, 2022, Sabado sa Starmall EDSA Shaw!

Sa unang pagkakataon, matutunghayan sa iisang entablado ang mga bida ng original Cignal Entertainment offerings sa TV5 – Sing Galing, Suntok Sa Buwan, Sing Galing Kids, Oh My Korona, at Kalye Kweens. 

Pagsapit ng 1 PM, magbubukas ang event center para sa iba’t ibang exciting games at activities, lalong-lalo ang Reelstars booth, kung saan on-the-spot makakagawa ng Reels ang mga mallgoers for a chance na bumida sa isang Reelserye.

At 2 PM, simula na ng walang humpay na kantawanan, sayawan, chikahan, at maritesan with stars such as Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua plus more.

Magpapakitang-gilas naman sina Singtokers Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab; at ang rising P-pop girl group na BLVCK ACE. Mangagamusta rin si Reelfriend Katkat Manimtim mula sa Reelverse.

Maaari ring swertehin ang mga manonood sa mga ipamimigay na goodies from Cignal brands such as CignalPlay!

Ito ang all-in-one mall show, fancon, at Halloween party na ‘di dapat palampasin ng mga Kapatid at Ka-Cignal! 

And there’s more! Abangan din ang next stop ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan – sa Vista Mall Taguig on November 19, 2022.
Samantala, tuluy-tuloy ang saya at drama sa Cignal Entertainment shows; mapapanood sa TV5 ang Sing Galing at Suntok Sa Buwan tuwing Lunes, Martes, at Huwebes mula 6:30 PM, at ang Sing Galing Kids, Oh My Korona, at Kalye Kweens tuwing Sabado mula sa 6 PM.

Maaari ring balik-balikan ang mga palabas na ito sa CignalPlay via desktop and mobile app. 
Sundan ang Cignal Entertainment on Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, and TikTok for more updates!