Vice, Vhong, at Jhong, nag-vlog sa 'It's Showtime' dahil nasira ang mga camera

Vice, Vhong, at Jhong, nag-vlog sa 'It's Showtime' dahil nasira ang mga camera

Vice, Vhong, at Jhong, nag-vlog sa 'It's Showtime' dahil nasira ang mga camera


 - Kwelang nag-vlog ang tatlong host ng It's Showtime sa loob mismo ng studio dahil iisang camera nalang umano ang gumagana

- Kahit na mayroong problema sa system, 'di pa rin napigilan ang tatlong hosts upang magbigay saya sa mga madlang people na nanonood

- Nagpahabol sina Vice, Vhong, at Jhong sa cameraman at saka gumawa ng sarili nilang vlog

Sa August 26 episode ng Kapamilya noontime show na It's Showtime, 'di inaasahang nagkaroon ng problema sa system ng camera kaya naman isang cameraman nalang ang nakatutok sa kulitan ng hosts.

Nang malamang iisa nalang ang camerang gamit, nagsimula nang magbiro ang mga hosts kung bakit iisa nalang ang camerang nakatutok sa kanila.

"Ito na lang camera natin? Isa na lang?" hirit ni Vhong.

"So dahil ikaw na lang ang camerang gumagana, habulin mo kami," kwelang hiyaw ni Vice bago tumakbo sa loob ng studio.

Tuwang-tuwa naman ang mga madlang people lalo na ang Kapamilya Online Live viewers dahil nagawan pa rin nilang magpasaya sa kabila ng pagkakaroon ng problema sa system.