Ion Perez napuno na?, Si Cristy Fermin nga ba ang pinaparinggan sa kaniyang statement?

Ion Perez napuno na?, Si Cristy Fermin nga ba ang pinaparinggan sa kaniyang statement?

Ion Perez napuno na?, Si Cristy Fermin nga ba ang pinaparinggan sa kaniyang statement?
- Usap-usapan ngayon ng netizens ang Tiktok video ni Ion Perez

- Sa nasabing video kasi ay naglabas ng kaniyang saloobin si Ion at tila mayroong pinariringgan

- Hinuha ng netizens ay si Cristy Fermin ang pinatatamaan nito

Usap-usalan ngayon ang Tiktok video ng kapartner at asawa ni Vice Ganda na si Ion Perez dahil na rin sa nilalaman nito.

Sa kaniyang video na ini upload ay nagsalita si Ion at tila mayroong pinariringgan.

"Grabe naman yun oh... Halos wala ka na ngang boses wala paring lumalabas na matino at maganda sa bibig mo. Uy 2022 na iilan nalang yung araw sa mundo," Sabi nito at saka tumawa na tila nang aasar.
@perezion27

Bulalakaw! Hahaha

♬ original sound - Perezion27

Hinuha naman ng netizens na malamang ay ang batikang showbiz columnist na kinikilala rin ng marami bilang marites na si Cristy Fermin ang pinariringgan nito.

Sa mga nagdaang linggo kasi ay patuloy ang mga patutsada ni Cristy Fermin laban kay Vice Ganda kung saan sinasabi nitong nalulungkot ito dahil sa hiwalay na umano sila ni Ion Perez.

Sa kabila naman nito ay puno ng masasayang video at post ang siyang makikita sa social media accounts nina Vice Ganda at Ion Perez.

Anong masasabi mo sa showbiz balitang ito?