Alex Diaz, na-curious kung bakit may anak si Ogie: "so sinamantala ko..."

Alex Diaz, na-curious kung bakit may anak si Ogie: "so sinamantala ko..."

Alex Diaz, na-curious kung bakit may anak si Ogie: "so sinamantala ko..."


- Na-curious si Alex Diaz kay Ogie Diaz kung bakit may anak ito kahit na parte siya ng LGBT community

- Kaya naman natanong niya si Ogie patungkol sa mga anak nitong lima, at puro babae pa

- Aminado naman si Alex na isa si Ogie sa maraming stars sa showbiz ang tinitingala niya dahil na rin sa pagkakaroon nito ng pamilya

Nakapanayam ng kilalang showbiz vlogger na si Ogie Diaz ang aktor na si Alex Diaz para sa YouTube vlog nito na inupload noong August 9.

Ngunit habang sila'y nag-uusap, tila na-curious si Alex kay Ogie sa pagkakaroon nito ng mga anak.

Aniya, nagtataka siya kung bakit may anak si Ogie gayung parte ito LGBT community gaya niya. 

 "May tanong ako para sa'yo. Ang dami mong anak. Curious lang ako kasi parehas tayong nasa LGBTQ... And then Mama Ogs yung tawag ko sa'yo or tawag nila sa'yo. Pero bakit parang ano ka, playboy? Ang dami mong naging anak... Paano nangyari 'yun? Inform mo naman ako bilang magkapamilya tayo," tapatang tanong ni Alex.

"Merong babaeng na-in love so sinamantala ko. Ganun 'yun. Alam mo sabi nga nila, life is what we make it. Life is a choice. So choice kong magkaroon ng sarili kong pamilya," tugon nito sa tanong ni Alex.

Dagdag pa niya, "Hindi 'yung dahil sa pagtanda ko may aakay sa'kin, laos na 'yun. Gusto ko 'pag nawala ako mayroon akong buhay na trophy."