Gerald, nagbiro tungkol sa paborito umanong exercise ni Julia

Gerald, nagbiro tungkol sa paborito umanong exercise ni Julia

Gerald, nagbiro tungkol sa paborito umanong exercise ni Julia
Nagbahagi si Julia Barretto ng larawan ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram story na bitbit ang ilang luxury items na kanyang binili habang nagbabakasyon sa Thailand.

Nag-alay rin ang aktres ng isang appreciation post para sa kanyang boyfriend sa pagtitiis nito sa kanyang pamimili. “A photo of patience,” ani ni Julia sa kanyang caption.

Kinunan din ng larawan ni Gerald si Julia habang tinutukso na ang cardio exercise ng kanyang girlfriend ay pagsa-shopping.

Sa mga naging panayam kay Gerald ay positibo nitong sinabi na ang kanyang kasalukuyang nobya na si Julia na ang maituturing niyang "the one". 

Umaasa naman ang aktres na sa kasal tutuloy ang kanilang relasyon ngunit plano muna nilang sulitin ang kanilang showbiz career.

Ayon pa sa aktres, nagpapasalamat siya kay Gerald sa patuloy na pag-akay sa kanya sa tamang direksyon.

“I always tell him how lucky I feel that I am with somebody who can guide me in life in general. Someone who can ground me, who can put sense in my head. I can talk to him about anything. He puts everything into perspective for me,” aniya.

Kasalukuyang bumibida ngayon si Gerald sa primetime serye na 'A Family Affair' kasama si Ivana Alawi at Sam Milby. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.