Lolit Solis, hindi natuwa sa ginawa ni KC Concepcion para sa 'Asian Persuasion'?

Lolit Solis, hindi natuwa sa ginawa ni KC Concepcion para sa 'Asian Persuasion'?

Lolit Solis, hindi natuwa sa ginawa ni KC Concepcion para sa 'Asian Persuasion'?
 - Naglabas ng saloobin si Lolit Solis sa ginawa ni KC Conception para sa kanyang international project na 'Asian Persuasion'

- Tila nadismaya ang manunulat dahil sa panawagan ni KC ng financial help para sa post-production ng pelikula

- Aniya, parang ang lalabas nalang daw ay si KC mismo ang nag-produce ng sarili niyang movie at tinawag pa itong 'desperate move'

Matatandaang naging maingay sa online world ang balitang sasabak sa isang international project ang aktres na si KC Conception na ikinatuwa naman ng kanyang fans.

Ang proyektong ito ay ang 'Asian Persuasion' na idinirek ni Jhett Tolentino, na nagkaroon ng problema sa pondo habang nagshu-shooting ng film.

Kaya naman nanawagan si KC ng isang financial help para sa pelikula at tinatayang nasa $9,823 na donasyon na ang nalikikom ng 'Asian Persuasion'. 

May komento naman rito ang kolumnistang si Lolit Solis sa ginawang hakbang ni KC Conception. 


Aniya, hindi maganda kung ang lalabas ay si KC mismo ang nag-produce ng kanyang sariling pelikula dahil tumulong siya sa pondo ng Asian Persuasion nang naipit ito sa pera. 

“Big deal talaga ang paggawa ni KC Concepcion ng isang Hollywood movie, Salve. 

“Malaking balita, lalo na ngayon na sinasabing medyo naipit sa budget at kailangan tumulong si KC Concepcion para matapos ito. 

“Para naman desperate move ang gagawin kung sakali. Ano iyon, para bang lalabas pang si KC na lang ang mag produce ng sarili niyang pelikula ? Hindi naman maganda na ganuon ang mangyari,” pagbabahagi ni Lolit.