Glenda Victorio, nagsalita na kung tatanggalin niya bilang endorser ng Brilliant Skin si Andrea Brillantes

Glenda Victorio, nagsalita na kung tatanggalin niya bilang endorser ng Brilliant Skin si Andrea Brillantes

Glenda Victorio, nagsalita na kung tatanggalin niya bilang endorser ng Brilliant Skin si Andrea Brillantes


 - Nagsalita na ang CEO ng Brilliant Skin sa panawagan ng mga haters ni Andrea Brillantes na tanggalin na ito bilang endorser ng kompanya

- Sa ibinahaging video ni Ms. Glenda sa YouTube, nakasama niya si Andrea sa kanyang 'Who's in my van' vlog

- Dito sinabi niyang hindi niya tatanggalin si Andrea bilang endorser dahil isa ito nagtiwala sa kanilang produkto at 'di iniwan ang kanilang kompanya

Isa sa mga isinisigaw ng mga bashers ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ay kanselahin ng CEO ng Brilliant Skin ang kanyang endorsement para sa nasabing kompanya.

Ngunit para kay Ms. Glenda Victorio, CEO ng Brilliant Skin, hindi niya tatanggalin si Andrea sa kanyang mga endorsers dahil isa ito sa mga nagtiwala sa kanilang kompanya at produkto.

Naniniwala ang CEO na hindi dapat kalimutan ang mga taong nagtitiwala sa kanila noong mga panahong hindi pa sila malaki. Naibahagi rin nitong una niyang nasaksikhan ang aktres sa hit Kapamilya series na 'Kadenang Ginto.'

Bago pa umano niya alukin si Andrea na maging endorser, nalaman niyang gumagamit na pala ito ng kanilang produkto kaya naman pumayag ito dahil nagtiwala ito sa kakayahan ng Brilliant Skin.

"Sa daming issues na kinaharap ng Brilliant Skin, nanatili siya sa tabi ko at patuloy kaming sinuportahan," sabi pa ni Ms. Glenda