Rita Avila, nagiging emosyonal kapag dinadapuan ng langaw: “Sabi ko...”

Rita Avila, nagiging emosyonal kapag dinadapuan ng langaw: “Sabi ko...”

Rita Avila, nagiging emosyonal kapag dinadapuan ng langaw: “Sabi ko...”
- Sa recent vlog Ogie Diaz ay inamin ni Rita Avila na nagiging emosyonal siya sa tuwing siya ay dadapuan ng mga langaw o paru-paro

- Ito ay dahil naniniwala siyang nagpaparamdam sa kanya ang kanyang namayapang anak sa tuwing siya'y lalapitan ng mga ito

- Nagkwento rin siya ng isang eksena kung saan lapit nang lapit sa kanya ang isang langaw habang nasa isang hotel

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang artistang si Rita Avila sa kanyang recent vlog kung saan napagkwentuhan nila ang namayapang anak ni Rita na si Elia Jesu na ipinanganak noong 2006.

Ayon sa aktres, naniniwala siyang si baby Jesu ang mga langaw o paru-parong nagpaparamdam sa kanya sa pamamagitan ng paglapit o pagdapo sa kanya ng insekto. 

Sa katunayan, hindi masyadong pinapansin ni Rita ang mga langaw na laging nakasunod sa kanya ngunit parati itong 'nagpaparamdam' sa kanya kaya naman may sinabi ito sa insekto na nagpaalala sa kanyang anak. 

Kwento nito, habang nasa isang hotel siya ay mayroong langaw sa kanyang kwarto kaya hinamon niya itong pumunta sa kanyang darili kung siya si Jesu. 

“Sabi ko, ano ba ‘to, hotel may langaw? Kung ikaw nga si Jesu, punta ka nga sa daliri ko. Nagpunta!” saad ni Rita.

“Strange pero nangyayari. Nung nakatindig ako sa may puntod niya, out of nowhere, ay lumipat na akin (ang paroparo). Napaiyak ako,” dagdag pa niya.