Ricci, nagsalita sa pag-heart niya umano sa isang babae; May inamin: "Mas sexy..."

Ricci, nagsalita sa pag-heart niya umano sa isang babae; May inamin: "Mas sexy..."

Ricci, nagsalita sa pag-heart niya umano sa isang babae; May inamin: "Mas sexy..."
- Nagsalita na si Ricci Rivero sa 'feelingerang' TikToker na nagsabing pinusuan umano ni Ricci ang kanyang sexy picture

- Pinahiwatig kasi sa nasabing comment section ng TikTok video na naka-score umano ang babae laban kay Andrea

- Going strong naman ang relasyon ng Ricci-Andrea sa halos isang buwan nilang pagiging mag-dyowa ngunit may naninira na agad sa dalawa

Nag-viral agad-agad sa social media ang TikTok video kung saan makikitang naka-heart react ang basketball star na si Ricci Rivero sa sexy picture ng isang 'di kilalang babae.

Kasunod nito ang pagkakakuha ng 3M views ng naturang TikTok video at samu't-saring komento laban sa Kapamilya star na si Andrea Brillantes na girlfriend ngayon ni Ricci.

Kaya naman dinipensahan ng athlete ang kanyang girlfriend nitong May 4 sa kanyang Instagram account sa pamamagitan ng pagpost ng isang story. 

Aniya, fake at edited ang larawan na nagpapakitang naka-heart siya sa sexy picture ng babae at ibinandera pang mas sexy si Andrea kaysa sa babaeng nakalantad ang puwitan.

Nire-post niya ang bikini picture ng TikToker at saka nilagyan ng mga crying at laughing emojis. Dito rin niya ni-'realtalk' ang babae sa paglalagay ng maanghang na caption.

“Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited 3rd mas sexy gf ko kesa sayo," ani Ricci.