Cristy Fermin, kinumentuhan ang 'utak' ni Angel Locsin ngayong nanalo na si BBM: "Ang utak niya..."

Cristy Fermin, kinumentuhan ang 'utak' ni Angel Locsin ngayong nanalo na si BBM: "Ang utak niya..."

Cristy Fermin, kinumentuhan ang 'utak' ni Angel Locsin ngayong nanalo na si BBM: "Ang utak niya..."
- Pinuri ni Cristy Fermin ang Kapamilya star na si Angel Locsin sa isa pang pagkakataon

- Sinabi nitong wala sa talampakan ang utak ng aktres dahil tanggap nito ang resulta ng katatapos lamang na halalan

- Nagpahayag rin si Rommel Chika na isa ito sa dahilan kung bakit unti-unti nang nawawala ang 'bashing' ng dalawang magkalabang kampo

Puring-puri muli ng kolumnistang si Cristy Fermin ang kabutihang loob ng Kapamilya star na si Angel Locsin dahil sa naging reaksyon nito sa katatapos lamang na Halalan nitong Mayo.

Aniya, kahit na may 'manok' ang aktres ay natanggap nito ang resulta ng botohan kung saan nagwagi si Marcos Jr. laban sa katunggali nitong si VP Leni Robredo.

Sa kanilang programang 'Showbiz Now Na' ay nagpakita siya ng saludo kay Angel kasama ang kanyang co-hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio.

'Yun ang maganda kay Angel. Ang utak niya, wala sa talampakan. Ang utak niya nasa tamang lugar. Nakipaglaban siya, nanindigan siya, meron siyang minanok pero wala tayong magagawa. Ang nanalo ay si BBM (Bongbong Marcos).

"Anong ginawa ni Angel, tanggap niya na talagang ganoon sa anumang laban. Merong masaya, merong malungkot at kailangang tanggapin kung ano ang kapalaran," pahayag ni Cristy.

Para naman kay Romel, "At ito yung naging paraan para matigil na ang mga bashing. Tingnan mo, nung nagpost siya noong magagandang pagtanggap sa mga bagong uupo na pangulo, Gumaganda na, unti-unti nang natatanggap din ng mga BBM na ah, at least ito nagpapakumbaba na... tinatanggap na ang mga nangyayari," saad nito.