Regine Velasquez, nasaktan ni Jaya? Naging emosyonal: "pero hindi ko masabi..."

Regine Velasquez, nasaktan ni Jaya? Naging emosyonal: "pero hindi ko masabi..."

Regine Velasquez, nasaktan ni Jaya? Naging emosyonal: "pero hindi ko masabi..."
- Emosyonal ang Asia's Songbird sa Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' para sa special birthday episode nito

- Dito ay nakapanayam siya patungkol sa kanyang matalik na kaibigang si Jaya na nagdesisyong umalis ng Pilipinas

- Aniya, hindi raw niya masabi sa kanyang kaibigan na nasasaktan siya dahil iniwan siya rito sa Pilipinas, feeling nga rin daw niya ang iniwan na siya ni Jaya

Sa nakaraang birthday ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid noong April 22, naging emosyonal ito sa kanyang Kapamilya morning program na 'Magandang Buhay' nang mapag-usapan nila ang kanyang matalik na kaibigang si Jaya.

Aminado si Regine na kahit nag-uusap pa rin sila ng Queen of Soul ay 'di niya masabi ditong nahu-hurt siya sa desisyon nitong mag-migrate na sa Amerika noong nakaraang taon.

“Feeling ko iniwan ako ng kaibigan ko. Although nag-usap na kami pero hindi ko masabi na nahu-hurt ako kasi iniwan mo ‘ko. Ganun yung feeling ko. Magkaibigan ‘di ba tayo dapat lagi tayo magkasama,” pagku-kwento nito.

“I know na meron siyang reason why she needed to leave. Naiintindihan ko naman yun, ayoko lang intindihin. I’m not usually like that. I am very understanding person. Kung saan ka masaya ho. I don’t know why I am like this with her.

“Kasi marami na kaming pinagdaanan. Never naman kami nag-away pero yung madaming mga ups and downs so sa buhay, witness siya sa aming buhay mag-asawa,” pahayag ng Kapamilya star.

Noong July 2021, nagpasya si Jaya na magsimula na ng bagong buhay sa Amerika. Ngunit bago 'yan, huli muna siyang napanood sa ABS-CBN bilang hurado ng 'Tawag Ng Tanghalan' sa 'It's Showtime