Maging jowa kapalit ng pera? Jai, ibinuking na may mga artistang pumayag sa offer!

Maging jowa kapalit ng pera? Jai, ibinuking na may mga artistang pumayag sa offer!

Maging jowa kapalit ng pera? Jai, ibinuking na may mga artistang pumayag sa offer!
- Ibinuking ng ex-PBB Housemate na nakatanggap siya ng indecent proposal upang maging jowa siya kapalit ng isang milyon at kotse

- Nakita nga rin umano niya ang mga listahan ng mga artistang na-escort-an ng nag-alok ng 'grabeng' offer

- Kabilang ang aktres sa Kapamilya series na “How To Move On In 30 Days” na pinagbibidahan nina Maris Racal at Carlo Aquino

Hindi pumayag ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jai Agpangan sa offer sa kanya ng isang 'di kilalang tao na maging jowa siya kapalit ng isang milyon at isang luxury car.

Inamin niya ito sa vlog ng kaibigang social media influencer na si Kyo Quijano sa “Sagot o Lagot” game sa kanilang YouTube video kasama ang Kapamilya actress na si Maris Racal.

Nasabi nga rin niya na nakita niya ang mga listahan ng mga artista na pumayag sa indecent proposal sa message request na ipinadala sa kanya ng sender.

“Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin fake news yung IG, akala nila matangkad, sexy, ganyan. Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million and Tesla car. Pero di ko in-accept.” simula nito.

“Promise! Pero hindi ko in-accept. Kasi parang nakakatakot, kasi parang ano siya…

“Parang gagawin ata akong ‘xvislib’ (exclusive). So, parang nag-i-sketchy. At sa liit kong ‘to, ha. 

“Feeling ko kasi parang ano lang, influencer chururut. May ano pala, escort chururut!” dugtong na pahayag ni Jai. 

Tila gusto nga raw niyang humirit sa nag-offer sa kanya ng, “Sure ka? Sure ka sa akin, joke!”

“Actually, message request yung sinend sa akin. Naka-proposal lahat. Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya. Grabe, ganu’n kalala.” kuwento pa ng aktres.