John Arcilla, may hamon sa mga BBM at Leni supporters: “patunayan ninyo na...”

John Arcilla, may hamon sa mga BBM at Leni supporters: “patunayan ninyo na...”

John Arcilla, may hamon sa mga BBM at Leni supporters: “patunayan ninyo na...”
- May mensahe ang aktor na si John Arcilla sa mga tagasuporta ng mga presidential candidates na sina Bongbong Marcos at VP Leni Robredo

- Hinamon niya ang dalawang kampo na i-'follow' ng mga ito ang mga legit pages ng kabilang panig upang magkaintindihan

- Hinikayat rin niya ang publiko na bumoto base sa mga kwalipikasyon at track record ng mga tumatakbong kandidato

Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star na si John Arcilla ukol sa mainit-init na tapatang nagaganap sa pagitan ng mga tagasuporta nina Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos. 

Tila napansin na ni John Arcilla ang mga salpukan at awayan ng mga ito kaya naman naglabas ito ng kanyang hamon laban sa mga Kakampinks at BBM Supporters. 

Sa kanyang official Facebook account ay naghain ito ng isang mahabang komento hinggil sa Halalan 2022. Kabilang na nga rito ang pangangaral niya sa ilang mga tagasuporta na hindi naman dapat kailangan awayin ang isa't-isa. 

Walang caption ngunit ang malaman lang niyang pahayag ang makikita sa naturang post. 

“Eto challenge ko sa mga Kakampinks, mag follow kayo ng isang legit na BBM account para maintindihan niyo sila.

 “Sa mga BBM followers, mag follow kayo ng account ng programa ni Robredo at patunayan ninyo na hindi kayo bias at ayaw ninyo ng siraan,” hamon nito sa magkabilang panig.