Karla Estrada, nag-react sa post ni Jolina Magdangal patungkol kay Leni Robredo

Karla Estrada, nag-react sa post ni Jolina Magdangal patungkol kay Leni Robredo

Karla Estrada, nag-react sa post ni Jolina Magdangal patungkol kay Leni Robredo
- May reaksiyon si Karla Estrada kay Jolina Magdangal nang magpost ito sa gusto nitong manalo sa pagkapangulo

- Iboboto raw kasi ni Jolina si Leni Robredo bilang Pangulo dahil tapat at upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang Pilipinas

- Ikinagulat naman ng netizens ang komento ni Karla dahil kahit magkaiba ng pananaw ay hindi ito nag-aaway 

Nagpakita ang Kapamilya actress na si Jolina Magdangal ng isang suporta para sa presidential aspirant na si Leni Robredo sa kanyang Instagram na umani ng iba't-ibang komento rin ng pagsuporta kay VP Leni na walang corruption record.

Aniya, iboboto niya si Robredo dahil tapat ang gobyerno nito. Sinabi rin niyang may magandang kinabukasan ang Pilipinas kung sakaling manalo ang kanyang pangulo.

“Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa gobyernong tapat, magiging maganda ang kinabukasan ng ating mga anak at nating lahat,” caption ni Jolina sa kanyang Instagram post.

“love you Momshie Jols! Go go go,” pagko-comment pa ni Karla Estrada. 

Samu't-saring papuri naman ang natanggap ni Karla dahil kahit UniTeam supporter ito ay buo pa rin ang pagkakaibigan nilang momshies.