SANA ALL! Gerald Anderson binigyan ng nakakakilig na date night by the beach si Julia Barretto

SANA ALL! Gerald Anderson binigyan ng nakakakilig na date night by the beach si Julia Barretto

SANA ALL! Gerald Anderson binigyan ng nakakakilig na date night by the beach si Julia Barretto
- Ibinahagi ni Julia Barretto ang masayang date nito sa kaniyang nobyong si Gerald Anderson

- Matagal kasing nagkahiwalay ang dalawa matapos na tumungo si Gerald sa Budapest para makasama ang ama

- Bilang muling pagkikita ay sinurpresa ni Gerald ang nobyang si Julia ng isang date night by the beach

Kinakiligan ng marami ang recent happenings sa magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Matapos na magbalik Pinas ni Gerald Anderson mula sa Budapest kung saan nakasama niya ang kaniyang ama ay tumungo ito kasama ang girlfriend na si Julia pa Boracay.

Binigyan ni Gerald Anderson ang nobyang si Julia Barretto ng isang bonggang Date night by the beach na labis na ikinatuwa ni Julia.


Sa mga litratong ibinahagi pa nga ni Julia sa kaniyang Instagram ay makikita ang nakakakilig na light-lit dinner set-up na nasa dalampasigan.


Bukod pa rito ay nakatanggap pa ng bouquet of flowers si Julia na may nakalakip pang sulat mula kay Gerald.


Kitang kita nga ang kasiyahan at pagmamahalan sa mga mata ng magkasintahan kaya naman napapa Sana All na lamang ang kanilang mga tagahanga.