Joseph Marco pasabog ang IG Post para sa kaniyang kaarawan

Joseph Marco pasabog ang IG Post para sa kaniyang kaarawan

Joseph Marco pasabog ang IG Post para sa kaniyang kaarawan
- Ginulat ni Joseph Marco ang marami sa mapangahas niyang IG Post

- Bilang bahagi ng kaniyang birthday special ay nagbahagi ito ng kaniyang litrato na ikinagulat ng marami

- Iba't-ibang kaibigan at kapamilya naman ang nagpahatid ng kanilang mensahe para sa aktor

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng kaniyang larawan ang kapamilya actor na si Joseph Marco.

Bilang bahagi ng kaniyang ika-33 na birthday ay ibinahagi nito sa lahat ang mapangahas niyang litrato kung saan makikita ang kaniyang angking kakisigan.

Marami nga ang nagulat sa post niyang ito kabilang na ang ilan sa malalapit na mga kaibigan niya sa Industriya.


"BRO. SANDALI LANG HA HINDI AKO PREPARED. HAHAHAHA!! HAPPY BIRTHDAY TO ONE OF MY FAVORITE HUMANS! ILYSM!!!,"
kumento ni Iza Calzado na nagpahabol mensahe pa ng, "yes all caps because your photo is," kaakibat ang tatlong fire emojis.

"Yan ang birthday pasabog! Happy Birthday Mr. U pag tanda ko sana ganyan din ako ka batak," kumento naman ni Albie CasiƱo.

Maraming netizens ang tunay na napa wow sa post na ito ni Joseph Marco at binati na rin siya sa kaniyang kaarawan.