Cristy Fermin puring puri ang ginawa ni AJ Raval sa gitna ng kontrobersiya

Cristy Fermin puring puri ang ginawa ni AJ Raval sa gitna ng kontrobersiya

Cristy Fermin puring puri ang ginawa ni AJ Raval sa gitna ng kontrobersiya
- Nagpaalam si AJ Raval sa kaniyang mga followers na magpapahinga muna ito sa Social Media

- Humingi rin ng paumanhin si AJ Raval sa mga netizens lalo na kay Kylie Padilla sa nagawa nito

- Pinuri naman siya ni Cristy Fermin sa ginawang ito ni AJ Raval

Nitong nakalipas na araw lamang ay humingi ng patawad si AJ Raval sa mga Netizens kabilang na rito si Kylie Padilla.

Ibinahagi kasi ni AJ ang post ni Aljur patungkol sa pagsisiwalat niyang si Kylie Padilla ang unang nanloko sa relasyon nila.

Matapos nito ay pinukol ng iba't-ibang negatibong mensahe si AJ Raval mula sa netizens dahil umano sa pakikialam niya sa away mag-asawa.

Kaya naman minabuti niyang humingi ng sorry sa mga naapektuhan at kay Kylie Padilla na rin at sinabing magso social media detox muna ito dahil sa nararanasan niyang bashing na nakaka apekto na sa kaniyang Mental health.

Samantala sa kaniyang radio program ay pinuri ni Cristy Fermin si AJ Raval sa paghingi nito ng tawad sa mga nagawa niya.

"Ako pinuri ko siya. Pinuri ko siya kasi marami pong artista na maling-mali na, mataas pa ihi," pagsisimula ni Cristy.

"Marami pong personalidad na buking na buking na pero nagmamalaki at mayabang pa... Marami rin pong personalidad na nagkakamali na hindi natin maaasahan ng paghingi ng paumanhin.

"Pero itong si AJ Raval, bata pa kung ituturing, pero tinanggap niya ang kanyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad hindi lang kay Kylie kundi pati sa publiko at sa lahat ng naapektuhan sa kaniyang pag se-share n'ung ano (post) ni Aljur," mahabang sabi ni Cristy.