Olympic figure skater na si Michael Martinez, nag-viral dahil sa pagskate sa saliw ng bagong awitin ni Maris Racal!

Olympic figure skater na si Michael Martinez, nag-viral dahil sa pagskate sa saliw ng bagong awitin ni Maris Racal!

Olympic figure skater na si Michael Martinez, nag-viral dahil sa pagskate sa saliw ng bagong awitin ni Maris Racal!

- Isa ang Pinoy figure skater na si Michael Martinez sa mga ipinagmamalaki ng bansa dahil dalawang beses na n'yang binandera ang bansa noong 2014 at 2018 Winter Olympics.

- Kailan lang ay nag-upload s'ya ng isang short video sa social media kung saan nagsasanay s'ya ng skills sa skating sa saliw ng bagong awitin ng Kapamilya actress-singer na si Maris Racal.

- Naaliw ang netizens sa kanyang world-class na pagpapakita ng kanyang skating, habang ang iba ay kinilig lalo at crush n'ya si Maris.

Isa ang Pinoy figure skater na si Michael Martinez sa mga ipinagmamalaki ng Pilipinas, di lang dahil sa mga viral at trending videos nya ng kanyang skating skills, dahil na rin sa ilang beses na s'yang naging kinatawan ng Pilipinas sa Winter Olympics.

Kamakailan lang, nag-upload ng isang video si Michael kung saan sya ay nagsasanay ng kanyang skating skills sa saliw ng bagong single ni Kapamilya actress-singer na si Maris Racal na "Ate Sandali."

Ibinahagi ni Michael, na nag-eensayo at lumalaban para sa isang spot sa darating na 2022 Winter Olympics, ang isang short clip sa Instagram, na may caption na  "When you're marupok."

Ayon sa kanyang followers, tila ginagamit ni Michael ang awitin bilang routine sa kanyang ensayo, lalo na at "crush" nya si Maris.

Ika ng isang netizen, "Crush mo lang yung singer, e."

Ang isa naman ay pinuri si Michael sa kanyang "world-class skating." Udyok pa ng isang follower, dapat silang mag-collaborate ni Maris.

Inilabas ni Maris ang "Ate Sandali" noong Hunyo 2021 at ito ay inayos at produced ng kanyang nobyong si Rico Blanco.

Info source: Cosmopolitan