Roxanne Barcelo ipinasilip na ang kaniyang Baby Boy

Roxanne Barcelo ipinasilip na ang kaniyang Baby Boy

Roxanne Barcelo ipinasilip na ang kaniyang Baby Boy
- Ibinahagi na ni Roxanne Barcelo ang mga litrato ng kaniyang Baby Boy

- Bilang bahagi ng ika unang buwan ng kaniyang Baby Boy ay ipinasilip niya ang ka cute-an nito

- Iba't-ibang litrato ni Baby Cinco ang ibinahagi nito

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Roxanne Barcelo ang iba't-ibang larawan ng kaniyang Baby Boy.

Si Baby Cinco ay 5 weeks na mula ng kaniyang isinilang.

Kaya naman para i celebrate ang ika-5th week nito ay ipinakita na ni Roxanne sa lahat si Baby Cinco.

"Our son at 1 month - 5 weeks. Swipe to the end to see how Papa Panda kept @dababycinco from crying," ani niya sa kaniyang post.


Matatandaang nitong May 22 ng isilang ni Roxanne si baby Cinco, ilang buwan matapos na ikasal ito sa isang di pa niya pinangalanang lalaki.

“He said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked twice. He actually asked me a few months after quarantine pero dahil naka-lockdown pa nun, all we knew was that we were going to get married before the year ends," ani nito sa isang vlog.

"Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya yung para sa akin. I am taken! He is worth the wait,” dagdag pa niya.