Pau Fajardo sa gitna ng kontrobersiya ni Scottie: "everything happens for a reason, be PAUsitive"

Pau Fajardo sa gitna ng kontrobersiya ni Scottie: "everything happens for a reason, be PAUsitive"

Pau Fajardo sa gitna ng kontrobersiya ni Scottie: "everything happens for a reason, be PAUsitive"

- Sa gitna pa rin ng kontrobersiya kaugnay ng ex na si Scottie, Pau nagbahgi ng kaniyang litrato

- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Pau ang blooming niyang itsura at punong puno ng positivity

- Ani niya na sa lahat ng dumadaan sa mahihirap na pagsubok sa panahon ngayon, "Be PAUsitive"

Kamakailan lamang nga ay naging matunog ang pangalan ng PBA Player na si Scottie Thompson matapos na maikasal ito sa babaeng kakakilala lamang niya ng mahigit sa tatlong buwan.

Lalo pa itong umingay dahil matatandaang nitong Enero lamang ay nag propose ito sa long time girlfriend niya na si Pau Fajardo, na ngayon ay ay ex na lamang niya.

Tila naka moved on na ang bagong kasal sa naturang kontrobersiya at maging si Pau Fajardo ay malugod sa pusong tinanggap na ang kinahantungan ng pag-iibigan nila noon ni Scottie Thompson.

Sa kaniyang Instagram post kasi ay nagbahagi ito ng kaniyang litrato kung saan litaw na litaw ang kaniyang kagandahan at tila blooming pa ito.

"I am a firm believer that everything happens for a reason. It has taught me that nothing in life is certain and it was a huge eye opener."

"So to those who are going through tough times, be PAUsitive. We still have many more to explore, Here’s to new opportunities. I’m excited to see what the future has in store," caption pa niya sa kaniyang post.