Hazel Grace, ang nagpakulong sa nagbalik ng cellphone niya, hindi pumayag isapubliko ang recording ng usapan nila

Hazel Grace, ang nagpakulong sa nagbalik ng cellphone niya, hindi pumayag isapubliko ang recording ng usapan nila

Hazel Grace, ang nagpakulong sa nagbalik ng cellphone niya, hindi pumayag isapubliko ang recording ng usapan nila
- Sa ikalawang bahagi ng Raffy Tulfo episode nila ay inilabas ng kampo ni Angelito ang recording ng kanilang pag-uusap

- Sa nasabing recording umano ay mapapakinggan ang naging naunang pag uusap ng magkabilang kampo para sa cellphone

- Ngunit hindi pumayag si Hazel Grace na isapubliko ang naturang recording

Upang makasunod sa balitang ito, basahin ang Part One at Part Two ng balitang ito.

Sa ikalawang bahagi ng episode ng Raffy Tulfo in Action hingil pa rin sa issue ng paghingi ng kampo ni Angelito Martin sa di-umano'y hindi makatarungang pagkakakulong nito ay napag-usapan ang patungkol sa recording.



Ani ni Jumar, kaibigan ng nakulong na si Angelito Martin ay ini record umano nila ang naging pag uusap sa pagitan nila ni Hazel Grace dahil sa kagustuhan nilang magkaroon sila ng record na nakausap nila ang sikat na Tiktokerist.

Hindi umano inaasahan ng kampo nito na magagamit pala nila ito upang maging ebidensya na sila ang nagsasabi ng katotohanan.

Ngunit dahil walang alam sa nasabing recording si Hazel ay hindi niya binigyang pahintulot na isapubliko ang naturang recording ng kanilang pag uusap.

Isiniwalat pa ni Hazel na edited na umano ang recording na ito at tila pinutol putol upang mapakinggan ng lahat na pabor ang usapan sa kampo nina Angelito.

Idiniin pa ni Hazel na dahil sa ginawang pang ri record ng kabilang kampo, kung saan hindi niya alam, ay nais niyang demandahin muli ang mga ito kaugnay sa Anti-wire tapping law o ang pagbabawal na i record ang pribadong usapan ng walang pahintulot ng magkabilang panig.

Samantala sa naturang episode rin ay may lumitaw na mag-asawang nakipag ugnayan sa Raffy Tulfo show at isiniwalat na sila umano ay naging biktima rin ng kampo nina Jumar at Angelito, na pinag nakawan umano sila ng mga ito.

Itinanggi naman ni Jumar ang paratang ng mag-asawa at sinabing wala silang koneksyon sa dalawa, sa kabila nito ay ipinakita naman ng mag asawa ang blotter patunay na nanakawan sila noong May 2019.. ngunit walang matibay na ebidensya kung ang kampo nga ba nina Jumar ang tinutukoy nilang nagnakaw sa kanila.

Sa huli ay nagkasundo muli ang dalawang kampo na magpa lie detector test ang mga ito, at ngayong darating na Lunes malalaman ang resulta sa kung sino nga ba ang nagsasabi ng buong katotohanan.