Ilan sa mga programa ng Brightlight Productions at TV5, mapapanood na rin ng mga Kapamilya!

Ilan sa mga programa ng Brightlight Productions at TV5, mapapanood na rin ng mga Kapamilya!

Ilan sa mga programa ng Brightlight Productions at TV5, mapapanood na rin ng mga Kapamilya!

- Ang magazine show na Rated K at ang gag show na Sunday 'Kada ay ilan lang sa mga programa na nilikha ng Brightlight Productions noong 2020.

- Napapanood ito sa TV5 at sa iba pang digital at cable channels nito, ngunit "nagpahinga" ang mga ito ngayong 2021.

- Napapanood na rin ang mga nasabing programa ng mga Kapamilya abroad via TFC.

Noong Oktubre 2020, inilunsad ang dalawa sa mga programang nilikha ng Brightlight Productions ni dating congressman Albee Benitez, ang magazine show na Rated Korina ni veteran broadcaster Korina Sanchez-Roxas at ang gag show na Sunday Kada na pinangungunahan ng ilang stars mula sa defunct Kapamilya program na Banana Sundae gaya nina Jayson Gainza, Ritz Azul at Sunshine Garcia. Ang mga ito ay napapanood sa Kapatid Network na TV5 at sa mga digital at cable channels nito gaya ng Colours, Sari-sari at One PH.

Oktubre 24, 2020 noong "muling" napanood sa telebisyon ang programa ni Korina Sanchez na ni-rename bilang "Rated Korina" na kadalasan ay pinapalabas tuwing Sabado ng hapon. May pagkakahawig ito sa dating programa nito sa ABS-CBN na "Rated K" kung saan mga nakakaaliw at nakakaganda ng vibes ang featured stories doon. Nagtapos ang season nito noong Abril 24, 2021 ngunit patuloy ang pagpapalabas nito sa Facebook page ng nasabing programa.

Oktubre 18, 2020 naman noong inilunsad ang comedy gag show na Sunday 'Kada, kasabay ng variety show na Sunday Noontime Live at drama series na I Got You. Pinangungunahan ito ng ilang bituin galing sa dating Kapamilya gag show na Banana Sundae gaya nina Jayson Gainza, Ritz Azul, Sunshine Garcia, Wacky Kiray, at isa sa mga direktor nito na si Badji Mortiz (katuwang ng amang si Direk Bobot at kapatid na si Direk Frasco), habang idinagdag nila ang ilang Star Magic stars na sina Miles Ocampo, Jerome Ponce, Joshua Colet at Big Winner ng Pinoy Big Brother All In na si Brazilian-Japanese model-actor Daniel Matsunaga. Noong Enero 17, 2021 nagwakas rin ang "season" nito at ayon sa mga bali-balita, magkakaroon raw ito ng Season 2.

Ngunit ngayong Hunyo, hindi lang ang mga Kapatid ang makakapanood nito kundi pati na rin ang mga Kapamilya. Kasalukuyang napapanood na ng TFC Subscribers ang Rated Korina tuwing Sabado, 10:00 pm (Pacific), at 10:30 pm (Saudi/London), at tuwing Linggo, 4:00 pm (HK/SG) at 6:00 pm (Guam) habang nakatakda na rin ito mag"Balik-Kapamilya" ngayong darating na Hunyo 19, Sabado, 6:00 pm (A2Z) at 11:00 pm (Kapamilya Channel) habang muli naman yan mapapanood sa Cignal Channel 1 at One PH simula Hunyo 19, 8:00 pm, at sa TV5 sa Hunyo 20, Linggo, 10:00 pm. Samantalang muli nang magpapatawa 'kada Sunday' ang Sunday 'Kada sa mga Kapamilya abroad via TFC ngayong darating na Hunyo 13, 1:00 pm (Saudi/London), 2:00 pm (Pacific), 3:00 pm (HK/SG), 4:00 pm (Guam).

Talaga namang iba ang saya at pagbibigay ng good vibes dahil andito sila para sa sa atin, mga Kapamilya, kaA2Z at Kapatid.