Claudine Barretto ipinang Tiktok ang 'Paubaya' nina Moira, Joshua at Julia Barretto

Claudine Barretto ipinang Tiktok ang 'Paubaya' nina Moira, Joshua at Julia Barretto

Claudine Barretto ipinang Tiktok ang 'Paubaya' nina Moira, Joshua at Julia Barretto
- Aliw ang mga netizens sa kakaibang hirit ni Claudine Barretto sa kaniyang Instagram account

- Ibinahagi ni Claudine ang video ng umano'y kauna unahan niyang Tiktok

- Gamit ang 'Paubaya' song ni Moira ay ipinakita ni Claudine ang galing niya sa pag giling

Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang naiibang Instagram Post ng nag iisang si Claudine Barretto.

Masayang ibinahagi kasi nito ang isang video kung saan may caption pa niya na 'My First Tiktok ever," kaakibat ang mga laughing emojis.

Mapapanood na habang mini make-up-han si Claudine ay bigla na lamang napa giling ito kasama ang make up artist niya.

Gamit ang tila remix song ni Moira na 'Paubaya' ay nagpakitang gilas si Claudine sa pag giling na talaga namang kinaaliwan ng mga netizens.


"Seryosong seryoso bigla ako nagulat dun nagsayawan," ani ng isang nag kumento.

"Hahahahaha ang cute mo idol queen," pakli naman ng isa pa.

Matatandaang ang 'Paubaya' ay kinanta ni Moira Dela Torre kung saan naging tampok ang pamangkin ni Claudine, na si Julia Barretto sa music video nito, kasama ang ex boyfriend na si Joshua Garcia.