Jayzam Manabat umamin sa kaniyang pagkakamali, humihingi ng kapatawaran sa mga nadismaya

Jayzam Manabat umamin sa kaniyang pagkakamali, humihingi ng kapatawaran sa mga nadismaya

Jayzam Manabat umamin sa kaniyang pagkakamali, humihingi ng kapatawaran sa mga nadismaya
- Inamin ni Jayzam Manabat kay Camille mismo ang mga paratang na lumutang hingil sa pambababae niya

- Humingi ng kapatawaran si Jayzam sa followers nila na nadismaya sa nagawa niya

- Sa huli ay sinabi nitong mahal na mahal pa rin niya si Camille

Sa magkakasunod na mga rebelasyon nga hingil sa mainit pa ring pinag uusapang panloloko ni Jayzam sa karelasyong si Camille ay nagsalita na ito.

Ani ni Jayzam ay inaamin niya ang lahat ng paratang sa kaniya hingil sa pambababae umano niya, lahat umano ng naunang sinabi ni Camille ay ang katotohanan na kaniyang isiniwalat.

"Inamin ko na lahat ky Camille. Ayaw ko nang gumaya sa iba na mag tatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo, hinarap ko ng buo. Pasensya na sa mga nadismaya sakin, naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po," sabi ni Jayzam.

"Wala nang ibang mas iimportante sakin kundi ang pamilya namin at si Camille. Sinabi ko na lahat sakanya, lahat po ng sinabi nya. Sakin po mismo nanggaling yun at inaamin ko po lahat ng iyon. Bilang lalaki. 

"Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nag chachat saamin ngayon maraming salamat po. Sa pag kahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong andito para saamin at kung sinong totoo saamin.

"Mahal na mahal kita Camille❤️ di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko."




Bukod pa rito ay humingi ng kapatawaran si Jayzam sa masugid na mga followers nilang magkasintahan sa mga pagkakamaling nagawa niya.

"Pasensya na sa lahat nang nadismaya. Haharapin ko to bilang lalaki," ani nito.

"Nagawa ko man mg ito last year. Proud akong 2 months na kong di umiinom at nasa katinuan na ko ngayon. Ayun ung pinanghahawakan ni camille ngayon kaya nya ko pinagbigyan."

"Hindi ako habang buhay ganto. At ayaw kong maging ganto habang buhay," pagsisiguro pa ni Jayzam sa lahat.