"Pulis Ako, Babarilin Kita!", Pulis nanakot ng isang driver dahil hindi ito makasingit sa Pila!

"Pulis Ako, Babarilin Kita!", Pulis nanakot ng isang driver dahil hindi ito makasingit sa Pila!

"Pulis Ako, Babarilin Kita!", Pulis nanakot ng isang driver dahil hindi ito makasingit sa Pila!
- Trending ang isang video post ng isang Netizen patungkol sa sumisingit na byahero

- Bigla na lang umanong sumingit ito sa pila at nagpakilalang isang pulis

- Nanakot pa ito na babarilin ang may ari ng video kapag hindi ito nakasingit

Trending na ngayon at usap usap sa social media ang isang panibagong posts at video kung saan kabilang ang isang pangkaraniwang byahero at nagpakilalang pulis.

Ayon sa post ng Netizen na si 'Ian Nunez' ay mahigit isang oras na umano itong nakapila habang nasa loob ng kaniyang kotse.

Bigla na lamang umanong sumingit sa nasabing pila ang isang lalaki na tila nakikipag gitgitan at unahan na sa kanya upang mauna ito.

Sa nasabing video na may caption pa na; "frd ranger NEC 3879. halos isang oras na ako nakapila tapos bigla nalang sisingit. para makasingit "BABARILIN KITA""

Sa pakikipag gitgitan ng lalaki ay kinatok nito ang bintana ng kotse ng lalaking nagbi video upang ito ay maka-usap.

Pagka bukas niya ng kaniyang bintana ay sinabi nito sa naturang lalaki na; "Pumila ka ng ma..," sabi nito na hindi na natapos ang sasabihin dahil sa pagsabat ng lalaking sumisingit sa kaniya.

"Pag di kita na ano ngayon babarilin kita!, Pwede ba!" Sabi ng lalaki na agad na tinanong naman ni Nunez kung sino ba ito na agad naman nagpakilala bilang.. "Pulis Ako".

Sa kasunod pang video ay ipinakikita ni Nunez ang plate number ng sasakyan ng nagpakilalang pulis.

"So bali ayan po ang plate number niya.... Babarilin niya raw ako," pagpapaliwanag ni Nunez sa nasabing video.


Sa isa pang hiwalay na post ni Ian Nunez ay humingi ito ng pasensya sa pagpo post niya ng naturang video ngunit giit niya na iyon lamang daw ang paraan upang makilala ang naturang lalaki na nagpakilala bilang pulis na tinakot syang babarilin.

"pasensya na po sa post ko na nag viral yun lang kase paraan pra ma trace yung tao na yon yun din kase sinabi ng police sa aken. 

"talagang pag ordinaryong tao lang mag rereklamo pag papasa pasahan ka lang na parang bola simula hpg papuntang police station tapos pinasa pa ulet kay brgy hall akala ko ipapasa pa ako sa principal office or sa guidance eh. pasensya na kung gumawa ako ng ingay sa fb kase mejo trauma lang sa nangyare.. "I don't care e e eee" #pulisAko"


Panoorin ang Video rito: