Ivana Alawi nakita na si Tatay Kutsinta Vendor!, ipinag shopping agad ito

Ivana Alawi nakita na si Tatay Kutsinta Vendor!, ipinag shopping agad ito

Ivana Alawi nakita na si Tatay Kutsinta Vendor!, ipinag shopping agad ito
- Muling pinag uusapan ng madla ang kabutihang ginawa ni Ivana sa isang Kutsinda Vendor

- Kita sa isang netizen video ang magkasamang sina Ivana at Tatay Joselito

- Namimili sa isang appliances store ang dalawa

Muli na namang pinag usapan at talagang kinaantigan ng puso ng marami ang panibagong pangyayari sa ginawa ni Ivana Alawi.

Matatandaang nitong nagdaang araw lamang ay naglabas ng isang vlog video ang aktres/vlogger na si Ivana Alawi.

Sa naturang vlog ay magpa prank si Ivana Alawi ng mga pangkaraniwang tao, kung saan nagpapanggap siyang isang pulubi at mamamalimos ng pera pampamasahe niya pabalik sa Baguio.


Sa mga taong magbibigay sa kaniya ay susuklian niya ito ng x1000 upang kapalit sa kabaitang ipinakita nila sa nagpapanggap na pulubing si Ivana.

Sa naturang vlog nga ay isang matandang kutsinta vendor ang siyang pumukaw sa puso ng vlogger na si Ivana Alawi.

Sa kabila kasi ng kahirapang kinakaharap ng kutsinta vendor na nakilala ni Ivana na si Kuya Joselito Martinez ay pinaunlakan nito ng pera at pagkain si Ivana.


Hindi napigilang mapaluha ni Ivana habang nakikipag kwentuhan ito kay tatay Joselito na isiniwalat na nagsusumikap siya sa pagtitinda ng kutsinta upang maibigay sa kaniyang pamilya.

Dahil sa kabaitan ni tatay Joselito ay binigyan siya ng P20,000 ni Ivana katumbas ng P20 na ibinigay nitong limos ni Ivana sa kaniya, habang nangako si Ivana na babalikan niya si tatay Joselito upang biyayaan pang muli.


Sa ngayon ay lumutang nga ang isang video ng isang netizen kung saan nakita niyang magkasama ng muli sina Ivana at si Tatay Joselito Martinez.

Nasa loob silang dalawa ng Appliances store kung saan tila ipinamimili ni Ivana ng kagamitan sa bahay si tatay Joselito!.


Hindi pa man nai a upload ni Ivana ang kabuuang vlog niya ay marami na ang excited na mapanood ang naturang video.