Sa kabila ng pagsasabi lang niya ng totoo, Doc Adam pinadalhan ng Cease and Desist Order ng Coppermask PH

Sa kabila ng pagsasabi lang niya ng totoo, Doc Adam pinadalhan ng Cease and Desist Order ng Coppermask PH

Sa kabila ng pagsasabi lang niya ng totoo, Doc Adam pinadalhan ng Cease and Desist Order ng Coppermask PH
Hindi na nga kaila sa marami ang tanyag at sikat na Doktor sa Social Media na si Doc Adam.

Siya kasi ang isa sa pinaka kilalang Doktor na nagpapalaganap ng katotohanan patungkol sa mga sakit o sa madaling salita ay sa mundo ng medisina.

Makikitang passion na niya ang gawin ito, ang magpalaganap ng katotohanan at tumungkol partikular na ang mga pinoy kahit pa may dugong banyaga siya.

Pero sa kabila ng mga ginagawa niyang ito ay mayroon din namang tila minamasama ang kabutihang ginagawa niya.

Sa kaniyang latest video ay ipinaalam niya sa kaniyang followers ang isang Cease and Desist Order ng Coppermask PH.

Bago ang naturang video ay nauna ng naglathala si Doc Adam ng video patungkol sa pagbibigay niya ng babala sa nakararami na ang sikat ngayon na Coppermask ay hindi garantisadong nakakatulong upang malabanan ang virus na maaaring makuha.

Ipinaliwanag ni Doc Adam na ang mask kagaya ng Coppermask ay hindi nakakatulong kundi maaari pa ngang maging dahilan upang makakuha ng virus mula sa iba partikular na ng Covid-19 virus lalo pa at ito ay may valve na maaaring pasukan ng mikrobyo.

Panoorin ang video niya dito:


Ngunit makalipas ang dalawang araw mula ng ma i upload niya ito ay doon nga ay isiniwalat niya ang pagpapadala sa kaniya ng Coppermask PH ng isang liham.

Ayon sa Coppermask PH ay maiko consider na "Libelous" ang kaniyang video dahil sa paninira umano nito sa kanilang produkto.

Ngunit iginiit ni Doc Adam na ang tanging ginawa lamang niya ay magpalaganap ng katotohanan kagaya na lamang ng ilang eksperto na nagpapatunay na hindi raw garantisadong nagbibigay proteksyon ang coppermask.

Anong masasabi mo sa balitang ito?