Kiray Celis hinangaan ng marami sa kaniyang Valentine's Gift sa magulang

Kiray Celis hinangaan ng marami sa kaniyang Valentine's Gift sa magulang

Kiray Celis hinangaan ng marami sa kaniyang Valentine's Gift sa magulang
Ngayong araw ng mga puso ay usong uso nga ang pagbibigay ng mga bulaklak at mga chocolates para sa mga mahal sa buhay.

Hindi rin naman magpapahuli nag ilang mga artista pagdating sa pag celebrate ng okasyong ito.

Usap usapan nga ngayon ang aktres na si Kiray Celis dahil sa magandang regalo na kanyang ibinigay sa kaniyang mga magulang para sa Valentine's day.



Sa kaniyang Instagram Account ibinahagi ni Kiray Celis ang mga litrato ng kaniyang magulang na punong puno ng kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Sa kaniyang post kasi ay kasama niya ang kaniyang mga magulang, kaakibat ang isang malaking bouquet, ngunit imbes na bulaklak ay mga pera ito.



“Happy happy valentines day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo," ani niya sa kaniyang caption.

“Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko.”

Umani nga ng mga positibong kumento ang post na ito ni Kiray dahil sa pagmamahal niya sa kaniyang mga magulang.



"Wow your(you're) so generous po to your parents. I really admire you for loving them," ani ng isang nag kumento.

"Napakabuting anak! You will be blessed more," sabi naman ng isa.

"God bless you more. You are a good daughter and sibling.. keep making people smiling," kumento naman ng isa pa.