Ina ni Christine Dacera, naniniwalang ginahasa ang kaniyang anak; "Mabait ang anak ko"

Ina ni Christine Dacera, naniniwalang ginahasa ang kaniyang anak; "Mabait ang anak ko"

Ina ni Christine Dacera, naniniwalang ginahasa ang kaniyang anak; "Mabait ang anak ko"
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hingil sa pagkamatay ng PAL Flight Attendant na si Christine Dacera ay muling nagsalita ang ina nito sa media.

Ipinagdiinan ni Sharon Dacera, ina ni Christine, na naniniwala siyang ginahasa at pinainom ng droga ang kaniyang anak taliwas umano sa naunang report na medico legal.

"Para sa'kin ni-rape po ang anak ko. 'Pag nakita mo yung katawan ni Christine, if you are the mother you will surely feel the pain suffered by Christine from them but my daughter cannot speak anymore because she died," ani nito sa programa sa ANC ni Karen Davila.

"Doon sa medico legal ma’am kita ko yung laceration ng anak ko, bruises ba't di nilagay doon? Di ko to tanggap itong autopsy na ginawa nila."

Iginiit ni Sharon na kung nagsasabi umano ng totoo ang mga suspek na siyang kaibigan ni Tin ay dapat daw ay dinala na nila ng maaga pa lamang si Tin sa clinic noong nagsusuka pa lamang ito.

"Sana nung nalaman nila nagkasakit-sakit ang ulo nga anak ko, meron namang clinic siguro ang hotel para magpatawag siya sa information desk. Usually merong ganun, bakit di niya ginawa? Talagang krimen, patay na anak ko. Talagang may krimen," paliwanag nito.

Mayroon umanong krimen na naganap talaga taliwas sa animo'y natural death niya na sinasabi ng mga kinikilala ngayon suspek at kaibigan ni Christine.

Dagdag pa ni Sharon na hindi raw umano ugali ni Christine ang tila magpakalasing dahil mabait ito.

"Most probably meron talaga kasi kilala ko si Christine hindi ganyan yung anak ko. Siguro, ni-take advantage din nila yung pagiging mabait at probinsiyana ng anak ko na Christine really trusted them so much. Sabi ko, as a friend sana di nila binetray nang ganun si Christine," dagdag niya.

Samantala sa panibagong update na ibinigay ng NBI ay sinabi nilang malaki ang tiyansa na may krimen ngang naganap ayon sa pag iimbestiga nila, hindi man sila naglabas ng kaukulang data o impormasyon ay sinabi nilang 80% sure sila na may krimen na naganap.