"E di Wow", sagot ng ina ni Christine sa pagsabi ng mga suspek na Inosente sila

"E di Wow", sagot ng ina ni Christine sa pagsabi ng mga suspek na Inosente sila

"E di Wow", sagot ng ina ni Christine sa pagsabi ng mga suspek na Inosente sila
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hingil pa rin sa maagang pagkamatay ng Flight Attendant na si Christine Dacera ay sinagot ng ina nito ang isang mahalagang tanong.

Sa mga nagdaang araw kasi ay iisa lamang ang isinisigaw ng mga kinikilalang suspek ngayon sa pagkamatay ni Dacera, iyon ay inosente sila.

Sa mga pahayag ng ilang suspek partikular na nina Valentine Rosales at Gigo De Guzman ay pinagsisigawan nilang inosente sila at hindi nila magagawang rape-in o patayin si Dacera.

Kaakibat ng lumitaw na Autopsy report ay Aneurysm din ang tinuturo nilang sanhi ng pagkamatay nito.

"E di Wow!," ito naman ang naging sagot ng ina ni Christine na si Sharon Dacera hingil sa sigaw ng mga suspek na inosente sila.

“Eh ‘di wow nga! Eh ‘di wow, wow, wow! Ganoon na lang sabihin ko sa kanila. Sige lang. Alam ng Diyos ang totoo,” paliwanag nito.

“Patuloy lang ‘yung laban, hindi ko titigilan habang hindi napaparusahan yung gumawa po sa anak ko,” dagdag pa ni Sharon.

Humingi rin siya ng tulong kay Pangulong Duterte sa laban niyang ito at humiling din ng dasal upang maparusahan ang pumatay umano sa kanyang anak.

“Tatay Digong, kailangan ko po kayo sa laban na ito… I need more prayers but ‘yung kamay na bakal para sa mga taong gumawa ng ganitong karumaldumal sa anak ko po, tatay, parusahan niyo na po,” ani niya.

Sa panibagong balita ay magpapatuloy umano ang imbestigasyon sa kaso dahil sa kakulangan umano ng ebidensya na magpapatunay ng talagang pagkamatay ni Christine ito ay sa kabila ng pahayag ng PNP na Case Solved o naresolba na umano nila ang nasabing kaso.