Xian Gaza tinulungang makalaya ang lalaking nakulong ng magnakaw ng Diapers at Gatas

Xian Gaza tinulungang makalaya ang lalaking nakulong ng magnakaw ng Diapers at Gatas

Xian Gaza tinulungang makalaya ang lalaking nakulong ng magnakaw ng Diapers at Gatas
Ilang linggo na rin ang makalipas ng mag trending at naging usap usapan ang pagkakahuli sa isang Ama na nag nakaw ng Diapers at Gatas sa isang Establisyemento.

Ayon sa pamunuan ng establisyemento ay pumasok ang lalaki sa kanilang store kagaya ng mga Normal na mamimili, at kumuha ng mga pagkain kasama ang Diapers at Gatas.

Ngunit matapos na makapamili ay imbes na dumiretso umano sa Cashier Section ay dire diretso itong tumungo sa Exit ng Store dahilan upang harangin ng Security Guard.

Tuluyan itong hinuli matapos na hindi makapag bigay ng resibo at ikinulong sa Presinto ng Taguig kung saan inamin ng lalaki na nagawa nya ito para sa kanyang anak.

Sa kanyang Facebook Account ay ibinahagi ni Christian Albert Gaza o mas kilala ng marami bilang si Xian Gaza ang update ukol sa Amang nakulong dahil nga sa pagnanakaw na ito.

"UPDATE SA LALAKING NAGNAKAW NG GATAS AT DIAPERS PARA SA KANYANG ANAK: panimula ni Xian.

Sabi nito ay humingi sya ng tulong sa dating Taguig Councilor na si Richard Jordan upang mailabas na ang amang nakakulong.

"Good News! Sa tulong ni Former Councilor Richard Jordan ng Taguig, mailalabas na natin siya sa martes upang makasama na niya muli ang kanyang Pamilya." Sabi nito.

Ibinahagi pa nito na nakaka relate umano sya sa amang nakulong matapos makagawa ng pagkakamali sa buhay.

"Alam naming dalawa ni konsi yung pakiramdam nang makulong dahil sa mga maling desisyon sa buhay kaya ganito na lang talaga ang pagtulong namin sa kanya."

Ibinahagi rin ni Xian ang naging pag uusap nila ni Richard Jordan kung saan makikitang pursigido nga ang dalawa na mailabas ang lalaki.

Nawa'y magsilbing aral sa ating lahat ang pangyayaring ito, at patunay din ng bagay na ito na marami pa ring pinoy ang handang tumulong sa kapwa kahit pa hindi ito magka ano ano. Salamat Xian Gaza at Richard Jordan.