Ogie Diaz agad nag No sa nais na guesting ng artistang Yes to ABS-CBN SHUTDOWN

Ogie Diaz agad nag No sa nais na guesting ng artistang Yes to ABS-CBN SHUTDOWN

Ogie Diaz agad nag No sa nais na guesting ng artistang Yes to ABS-CBN SHUTDOWN
Ilang Buwan na nga ang nakalilipas mula ng tuluyang mag Shutdown ang ABS-CBN sa Free TV.

Dahil nga dito ay marami ang nawalan ng natrabaho at tinatayang 6,000 ang natanggalan ng hanap buhay kasunod ng Shutdown.

Kaya naman para kay Ogie Diaz na isa sa mga empleyado ng ABS-CBN ay hindi sya makakalimot sa mga taong naghangad na mawalan ng trabaho ang marami.

Sa kanyang Facebook Post ay ibinahagi nya ang pag hingi ng tulong ng isang Filmfest Organizer sa kanya upang paingayin ang isang Showbiz Personality dahil sa paparating nitong Pelikula.

"Asking for my support ang isang namamahala ng isang movie for the filmfest. Baka daw pwede kong i-guest at interbyuhin sa aking youtube channel yung isang bida doon.", Panimula nito.

"Sabi ko nang wala nang paligoy-ligoy pa, “No. Yes to ABS-CBN shutdown siya. Sorry.”

"Kung maganda naman yung movie niya, hindi naman niya ako kailangan.  Kikita pa rin yan."

"Sana lang, mahusay na siyang umarte.✌️✌️✌️", Pagtatapos nito.



Sa kanyang latest Showbiz Vlog ay nilinaw nyang hindi sya gumaganti, ngunit hindi nya raw maatim na tulungan ang taong ninais na mawalan ng trabaho ang ilang Kapamilya Employees.

Dagdag pa ni Ogie Diaz na hindi man daw ito nangyari sa ABS-CBN o kung ang GMA o TV5 man daw ang hilinging mawala ay sana naisip nya raw ang mawawalan ng trabaho sa industriya ng TV at Movies sa paghahangad nito na mawala o ma Shutdown ang ABS-CBN.

Pagtatapos ni Ogie ay sa kabila naman daw ng pagkawala ng ABS-CBN ay ginagawa nito ang lahat upang patuloy na makapag lingkod sa Bansa, naitanong nya tuloy sa sarili kung totoo rin daw bang naglilikod sa bansa si Showbiz Personality na Yes to ABS-CBN SHUTDOWN.