Barbie Imperial, ipina Raffy Tulfo ng jowa ng isang Vlogger?

Barbie Imperial, ipina Raffy Tulfo ng jowa ng isang Vlogger?

Barbie Imperial, ipina Raffy Tulfo ng jowa ng isang Vlogger?
Hindi na nga lingid sa mga Netizens ang katagang ipa- "Raffy Tulfo" mo na yan, lalo sa mga issue'ng nababasa nila sa Social Media.

Naging Sumbungan ng bayan na nga ang batikang Newscaster na si Raffy Tulfo dahil sa pagiging tagapamagitan nito sa mga taong may hidwaan o alitan na naghahanap ng matutulungan upang maayos ang kani kanilang awayan.

Pinaka Fresh na nga dito ang naging Maselang awayan ng GMA Comedian Super Tekla laban sa kanyang kinakasamang si Michelle, na kalauna'y matapos ang ilang awayan sa programang Raffy Tulfo in Action ay nagkaayos din naman.

Kaya naman hindi na bago pa ang pagkakaroon ng mga "Memes" para sa mga hidwaang animo'y dapat ng ipamagitan si Raffy Tulfo.

Ang sikat na kapamilya actress na si Barbie Imperial nga ay naging tampulan ng tukso ng mga Netizens dahil sa pag gawa nila ng edited picture kung saan animo'y nasa programa sya ni Raffy Tulfo.

Sa nasabing Edited Photos kasi ay tila nasa "Raffy Tulfo in Action" si Barbie kung saan katapatan naman nya ang sikat na Vlogger na si Jamie Bautista na syang Live-in Partner ng sikat ding Vlogger na si Anthony Leodones.

Naging asaran na kasi ng mag Jowang sina Anthony at Jamie ang pagkakaroon ng mga edited photos ni Anthony sa kanyang Celebrity Crush na si Barbie Imperial.

Iba't-ibang Edited photos pa nga ang naglalabasan at patuloy na kinagigiliwan ng mga Netizens kung saan sa mga edited photos ay tila galit na nakamasid sa gilid si Jamie.


Hindi nga naging KJ sa pangyayari ang aktres na si Barbie at sinakyan pa nga ang mga biruang ito na ikinasasaya ng mga Netizens.

Maging si Barbie nga ay nag post na rin ng Litrato ng edited photo nila ni Anthony kung saan ay tila naghahalikan pa sila.

At ito na nga marahil ang naging dahilan upang maisip ng ilang Netizens ang pagsusumbong umano ni Jamie kay Raffy Tulfo dahil sa pagtataksil na ito ni Anthony sa kanya.

Isang oras matapos na mai post nga ni Barbie ang "Meme Photo" ay nakalikom na agad ito ng 360K reactions at talaga namang ikinatutuwa ng mga Netizens.

All Photos credit to their respective owners.