Super Tekla, pinatawad na si Michelle, nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya

Super Tekla, pinatawad na si Michelle, nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya

Super Tekla, pinatawad na si Michelle, nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya

Sabi nga nila kahit anong tago mo ng katotohanan ay lalabas at lalabas pa rin ang totoo sa anumang uri ng paraan.

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagpapa Tulfo ni Michelle sa kanyang kinakasamang si Tekla, dahil matapos nitong tumanggi na magpa drug test ay tila bumaliktad na ang mundo nya.

Hindi na kasi sya tutulungan nu Raffy Tulfo sa ano mang nauna na nitong naipangako, tiniyak din ni Tulfo na mapupunta ang kustodiya ng kanilang anak kay Tekla.

Tinapos nina Raffy Tulfo at Michelle ang kanilang pag uusap kung saan tila talunan at luhaan ang huli.

Samantala, sa pagitan naman nina Tekla at Michelle ay tuluyan na nga silang nagka ayos para raw sa kapanatagan ng kanilang kalooban.

Nanaig pa rin ang pagpapatawad sa puso ni Tekla matapos na tila sirain ni Michelle ang kaniyang pangalan sa pagsusumbong nito kay Raffy Tulfo.


Pinatawad nya na umano si Michelle at nanawagang tigilan na ang pamba bash dito at sa pamilya nito.

"Salamat Panginoon SAlamat DONITA mommy ROSE AT MGA KAIBIGAN KUNG HINDI AKO INIWANAN AT HANDANG IPAGTANGGOL AKO Salamat sa lahat ng sumuporta at magtiwala hindi ko na kayo Maisa isang lahat", ani ni Tekla.

"Pipilitin kung bumangon at magsimula nanaig na ang katutuhanan wag na nating husgahan at e bash pa si Michelle at pamilya nila mas pinili ko ang forgiveness kay sa puot natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive", dagdag pa nito.

"Sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko yun lets pray at pagmamahal nalng poh ang magandang tulong para maghilum ang sugat na dinulot ng pagsubok na ito God Bless us allπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌ", pagtatapos nito.


Tila nga natapos na ang yugtong ito ng kontrobersiyang kinaharap ni Tekla at Michelle, nawa'y magsilbing aral itong lahat sa atin.