"The Shower" - Pinoy Horror Stories Club

"The Shower" - Pinoy Horror Stories Club

"The Shower" - Pinoy Horror Stories Club
Yung bahay nila ay nasa subdivision ng isang company na pinagtatrabahohan ng uncle ko. Meters away lang ang factory ng company nila

Summer 2019.

Since translation ko from shs to college almost half a year ang vacation time ko. Kaya napagdesisyonan ng aunty ko na isama ako sa kanila. Ako namang bored na sa bahay di na umangal pa.

Yung bahay nila ay nasa subdivision ng isang company na pinagtatrabahohan ng uncle ko. Meters away lang ang factory ng company nila. May maraming puno namang naka palibot sa kanila. Sa may bandang likod ay ang parking lot at ang single basketball court nila at may malaking puno ng mangga sa likod ng ring.

6 lang kami sa bahay nila. Ako, ang aunty, ang uncle, pinsan kong babae at dalawang anak niyang lalaki; nasa 5 taon ang panganay (si kol ) at 1 taon naman ang nakababata (si liam).

Friday around 11 am ng magpaalam ang aunty ko para maggrocery. Since may trabaho si uncle at ang pinsan ko, ako at ang dalawang bata nalang ang naiwan sa bahay.

Nasa sala kami ni kol at natutulog naman sa kwarto si Liam ng umalis si aunty. Di katalagan ng umalis ang aunty biglang umiyak si Liam kaya pinuntahan ko agad ito sa kwarto. Bago ako makarating sa kwarto napansin kong naka bukas ang shower kaya pinatay ko ito at inisip ko nalang na baka nakalimutan patayin ni aunty.

Nang makarating ako sa kwarto at pagkakarga ko kay Liam biglang bumukas ulit ang shower. (Magkatabi lang kasi ang kwarto ng mga bata at ang cr kaya rinig yung tubig). 

Agad akong lumabas ng kwarto habang karga-karga si Liam at pinatay ulit ang shower. Inisip ko nalang na baka pinaglalaruan lang ako ni Kol. Nang papalabas na ako ng CR biglang umiyak ulit si Liam habang nakatingin sa may likuran ko. 

Pagkarating ko agad sa sala binungad ko agad ng tanong si Kol "Did you turn on the shower?" "I didn't" maiksing sagot niya. Ayaw ko sanang maniwala sa sagot niya pero Paw Patrol yung pinapanuod niya at di yun umaaalis ng sofa habang nanunuod ng Paw Patrol.

Dahil dun hindi na ako naliligo sa kanila kapag wala ang aunty.